hmmmm....
know what? I prayed last night. Say what? Nagdasal?!!! Ano kayang nakain? Mukhang tinopak na naman ata...
Kidding aside, I prayed for him. I wished he could pass the examination. But, on the back of my mind, may nagtatalo. Tama ba ang ginawa ko? Susme, ano ba namang klaseng tanong yaan? Siyempre, oo. Bakit ba hindi, abay ipagdasal mo ba naman ang isang tao, aba! yun ay isang himala. Pero parang di tama...
Bakit naman???
I missed him a lot. Kaya siguro ako nagkakaganito dahil sa pangungulilang iyon. Bakit nga ba? Hindi ko na kasi siya nakakausap lagi. Busy na siya. Busy na rin ako(saan naman kaya?) Pero kailangan kong maintindihan yun. Kailangan....
We need to sacrifice kahit paminsan-minsan, di ba? "Ok lang yun, ganyan sadyan ang buhay. Hamo't mamaya'y tatawag na yan....."Sa pananalitang ito'y medyo naiibsan naman kahit papaano ang uhaw na aking nararamdaman. Mistulang ulang tikatik na bumabasa sa lupang tigang(wheeeww, lalim nun ah!)
Pero kuntento na nga ba talaga ako sa ganoong sitwasyon? Nakakasawa na rin hindi ba? Hanggang kailan? Hanggang saan? Pero, tiis pa, tiis... Tiyaga lang ang kailangan. Kaya ninyo yan, pasasaan ba't magkakasama rin kayo, sa tamang oras, sa tamang lugar, at sa tamang pagkakataon....
Sana nga lang... Sana......